Hey! Oy buhay ka pala? Yeah right buhay pa ko. It's been a year? (dunno). Haay ewan ko. Ang gusto ko dati mag-update lagi tungkol sa buhay ko in college para may mabasa ako in the future pero obviously di ko nagawa. Di ko naman alam na ganito pala college. Puro na lang aral. Gigising ako nang 2AM para magreview, papasok from 7:30-5:30, magluluto, maglalaba tapos gagawa ng homeworks at gigising uli nang maaga the next day. Woah pati sa panaginip nakikita ko yung mga teachers namin at maging sa weekends at holidays dami pa ring requirements. Nakakasawa na. Pagod na pagod na ko. Honestly, miserable experience sakin ang pag-aaral. San ba ko nag-eenjoy? Wala siguro sa pagkanta at pagtugtog ng gitara, sa pakikipaglaro sa aso ko, sa pagbabasa ng mga fiction novels ko, sa pagsusulat ng beyond Infinity, sa pagtitig sa picture niya (lol). One year and a half pa at gagraduate na rin ako. Kung totoo ang Relativity ni einstein,oh please lang orasan pakibilisan ang pagtakbo!
Right now, I'm crying. Hindi ko rin alam e kung bakit. Bakasyon ngayon pero sandamakmak naman ang requirements at assignments plus reports. Hindi yan exaggeration, tingin ko hindi talaga kasya ang two weeks para matapos ko ang lahat ng mga ito kaya siguro ako naiiyak. as much as I want to bond with my cousins na ngayon ko lang nakita for they were born in Hawaii, di ko magawa. I have to know my priorities and on top of all is to finish these God-damned requirements. Gaaad! Sawang sawa na ko sa buhay ko. Sa totoo lang never ako nag-enjoy sa pag-aaral ko. Lahat ng ginagawa ko, out of responsibility lang at hindi ko talaga gusto. I'm always feeling the weight on my shoulders, my parents are expecting too much that even if I try to jump as high as I could, I can't even meet them halfway.
Nawawala yung flashdrive ko. Grrr!! Grabe ang sakit sa pakiramdam. Yun pa naman ang gamit-gamit ko lage mula pa nung high school. I dont care how much it costs to purchase another one. What I care is about the memories in the pictures and short film we made during high school. Nandun lahat eh at wala na kong copy. Huhuhu :((( Sana lang..sana mabait yung makapulot at ibalik sakin kasi may pangalan naman dun sa mga files ko eh. Isa pa may sentimental value yun. ASAR TALAGA! Ilang beses ko na ring muntikang mawala yun pero naibalik naman. Una nung naiwan ko sa comp shop. pangalawa nung maiwan ko sa computer room kaya lang this time, parang anlabo nang maibalik. Hayy.. :(
Mid term na naman next week! hay gahirap talaga mag-aral oh. Pero ayos lang gaya nga ng lagi kong sinasabi, with God's grace...I'll get by with a smile :) Nga pala 67 days to go and it will be...SUMMER VACATION TIME!!! YOHOO!
Kapag nasa MMSU-CTE ka alam ko ang unang mapapansin mo. Bleeh! Ambaho! Amoy poopoo ng pusa! At sino ang salarin?! Ang mga kuting na ito. Gayunman, di namin sila sinasaktan. Kawawa naman kasi sila. Bigla na lang silang iniwan ng mommy nila na pakalat-kalat sa kung saang saang sulok ng CTE. Kaya naman.. sa mga pusa dyan utang na loob wag na kayong magpabuntis kung iiwanan nyu lang. Nanawagan?! Naaawa kasi ako sa mga kuting e! Kung pwede ko nga lang silang iuwi ginawa ko na. Pero syempre di pwede. Magagalit si madear! Hehe.
This is my fav snack! Chapchi in Chicken Salad w/ Cheeeeeese!!! Why? Bukod sa masarap na, MURA pa! Ok Chapchi you should pay me for the advertisement :))
Yep! We just went to Tanauan, Batangas last October 20 for my cousin's wedding. I kow,I know this is Mt. Makiling in Laguna kaya lang nadaanan namin e so I took a picture. Well, I know na pangit yung kuha. Ikaw ba naman kumuha ng picture sa loob ng sasakyan diba?! At nagyabang daw bwahaha! Anyways, nag-enjoy naman ako sa trip namin kahit tatlong araw lang. I mean ganito, 14hours na byahe from Ilocos Norte to Batangas then dumating kami dun gabi na. Natulog ng onti paggising kasal na. Just after the wedding naman uwi na agad. Hayys! Kung alam nyu lang sobrang haggard namin. Pag-uwi naman namin may nangyaring drama. Ok I'll make kwento-kwento ha? I know wala naman talagang magbabasa neto kundi ako lang. So what?? Wahaha wag kasing basag trip! Tss may MPD na ata ako (multiple personality disorder) :D. Ganito kasi yun..nung nasa Manila na kami sa mga bandang Quezon Av., bumaba sa bus yung pinsan ko para kunin yung damit nya sa boarding housee nila. So nagstop yung sasakyan sa may gilid tapos nasa tapat naman namin yung garahe ng RCJ Lines na Laoag-Manila bus line. So dahil nga kapwa Ilokano, tinawagnung announcer yung sasakyan namin na magpark muna sa vacant space nila. After a while may lumapit na pulis. Bumaba na syempre yung driver dala yung mga papeles ng bus. Bumaba rin yung tito ko at dahil nga galing sa kasalan, nakainom sya ng onti. Nasa sasakyan lang ako all the time. Tinatamad akong bumaba e! Nasa tapat ng window ko sina tito at yung isang pulis na nag-uusap. Tss! Tagal naman nilang mag-usap. Suddenly, bigla na lang nagduduruan sina tito at yung pulis. At ang sumunod, tumakbo si tito at hinabol ng dalawang pulis,nagpupumiglas si tito na poposasan sana ila tapos kitang kita ko na humuhugot ng baril yung pulis. Sobarang kinakabahan na kami nun at nagbabaan na yung iba naming kasama. Yung pinsan ko naman na anak ni tito, ayun bumaba at kinunan ng pictures ang kawalan hiyaang pinaggagagawa ng mga pulis na yun. Akala ko sa TV lang ako makakakita ng ganito. Di ko inakala na mangyayari sa amin to. Tumawag na ng mga kasama yung pulis at dinampot si tito. Yung ibang pulis naman kinukuha yung memory card ng pinsan ko. Hmp! Smells fishy! Hinuhuli kasi nila kami e wala naman kaming violation. Napakainhuman nga nung ginawa nila sa tito ko e! At ngayon desperado na sila dahil gumawa sila ng kasulatan na di namin iuupload yung mga pictures! Natakot atang baka iypuscope namin ang pangongotong nila. Matapos ang mahaba-habang usapan pinakawalan din nila ang tito ko. Mga lang hiyang pulis na bahag ang buntot! Natakot sa video ang mga loko! AKALA KASI NILA NAKUHANAN SILA NG VIDEO! WAHAHA! So ayun umuwi na kami na sumasakit ang tiyan kakatawa sa pulis na yun! Marami akong napatunayan sa byaheng ito. Ahem!
“A smooth sea never made a good sailor. A straight and level road never made a good driver”
"In a journey, what matters is not the destination, it's the journey itself"
Dahil tapos na nga ang pinakaunang semester ko, oras na para ireport ang aking grado. Hindi upang magyabang o ano. Blog ko naman to e! kaya pagbigyan nyu na ko :D wahaha. Gusto ko lang ilagay dito para kapag naging guro na talaga ako at mabasa ko ulit ang mga blog ko eh di maaalala ko tong mga to. BLEEEEHHH!!!