Bagong paaralan, bagong environment..lahat bago. Nakakatakot bang maging college?! Sa una, naman! Napagalitan pa kami sa unang klase. Wagas diba?! Oo, mahirap mag-adjust. Di kasi ako sanay sa ganito e! Aba libo-libo na yata ang estudyante sa MMSU-CTE. Sa school namin dati more or less 400 lang ang estudyante. Mmp ano pa nga ba? Mga 5 hours lang ang klase namin sa isang araw. Abay kalahati lang yan sa oras ng pagpasok noong high school. So the happiest part? Vacants! hihi :) One thing more, kami ang magsesearch ng lectures. Ayos diba!? Ansilbee ni Prof? Tagaexplain although unnecessary naman nang iexplain dahil kahit basahin mo lang yung lecture maiintindihan mo na. No offense po pero ganito naman talaga ang scenario.Ang nagpapahirap pa sakin ay ang pagtira malayo sa aking pamilya. Oo tumitira ako sa isang boarding house. malayo rin kasi ang school namin sa bahay at di ko siuro kakayanin ang umuwi araw-araw nakakapagod yun. Mahal pa ang pamasahe e di naman kami mayaman so no choice ako kundi ang tanggapin ang aking masaklap na kapalaran :D hihi. Aba parusa ang mamuhay mag-isa no. Kailangan kong gumising ng maaga, magluto, maghugas, at maglaba.Mga bagay na di ko naman ginagawa dati. spoiled ako sa bahay e! Isabay pa dyan ang pagrereview. Nasubukan mo na bang gumising ng alas dos? Ako laging 2 AM ang gising kapag may exam. Gayunman, kahit gaano kahirap ang college life may mga karamay ka namang mga kaklase. Nakakaculture shock din na 60 kami sa isang klase. Nakakatakot nga nung first day e! Iba-ibang muka, pag-uugali at pananalita. Ngayong tapos na ang first semester mas nakilala ko na sila. may mga mababait, mga idol sa katalinuhan, mga kasama mo sa kulitan, mga nakakainis at last but not the least yung mga lihim kang kinaiinisan. Di naman maiiwasan yan eh. kahit iba-iba kaming lahat mahal na mahal ko ang aking mga kaklase dahil sila ang nagpapaalala sa akin na ang buhay ay di perpekto, kailangang magkaroon ng mga pagsubok upang lumabas ang tunay na ikaw.